TAPOS NA | Flood Control Project sa P. Burgos Avenue sa Maynila, kumpleto na

Manila, Philippines – Tututukan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang iba pang binabahang kalsada sa Maynila, ito ay makaraan nilang matapos ang flood control project sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue mula sa Luneta Pumping Station hanggang sa Anda Street, Intramuros, na kadalasang binabaha tuwing umuulan.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, pagiigtingin nila ang mga flood control projects ng ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, at upang maisaayos ang mga kalsada na palaging binabaha.

Ang proyektong ito sa Padre Burgos Avenue ay kinabibilangan ng 2 submersible pumps, na may habang 2,268.5 lineal meters, na direktang naka konekta sa Manila Bay.


Facebook Comments