TARGET GOAL COLLECTION NG BIR CALASIAO NA ₱5.6B NGAYONG 2023, INILABAS NA

Inilabas na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Calasiao Branch ang target nitong koleksyon para sa taong 2023.
Nasa halos P5.6 bilyon ang target goal collection ngayong 2023 ng ahensya kung saan positibo ito na kanilang makakamit ang naturang layuning koleksyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Aldrin Camba, ang Chief Revenue Officer III at OIC Revenue District Officer ng Calasiao, umabot umano sa 4.9 bilyon piso ang nakolekta ng ahensya noong nakaraang taon at kanila umanong nalampasan ang target nitong 3% sa naturang koleksyon.

Aniya, malaking pagsubok umano ito sa ahensya kung paano maaabot ang naturang target dahil sa katatapos lamang na pandemya na kung saan maraming mga naapektuhan ang kani-kanilang mga buhay maging ang kanilang mga trabaho dahil upang magkaroon ng reduction taxes partikular na sa mga sahod ng mga trabahador.
Dahil sa layunin ng ahensya na mas makalikom pa ng mas malaking koleksyon ay kanilang inumpisahan ang isang caravan na magbibigay kaalaman at pagpapaalala sa mga residente sa tama at regular na paghulog ng kanilang mga responsibilidad na buwis kung saan magtatagal ang naturang Caravan sa ika-17 ng Abril.
Ipagpapatuloy din ng ahensya ang information campaign sa mga tax payers sa pamamagitan ng mga online meetings o seminars tungkol sa usaping pagbabayad ng buwis upang maisip ng mga tax payers na mahalaga ang pagbabayad ng buwis para gumulong at upang makatulong sa ekonomiya ng bansa. |ifmnews
Facebook Comments