Target-Listed drug personality arestado ng PDEA ARMM

Arestado ng mga elemento ng PDEA ARMM ang isang lalaki na kabilang sa kanilang target list sa search warrant operation sa bahagi ng Purok Kabuntalan, Mother Barangay, Poblacion, Cotabato City kahapon.
Kinilala sa report ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin ang naaresto na si Arafat Maguid Kasan, 40 years old na sinasabing sangkot sa illegal drug trade sa syudad.
Nakumpiska sa suspect ang sampung gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P 50,000 .
Kasalukuyang nasa jail facility na ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 othero mas kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” .

Facebook Comments