Target na GDP ngayong 2022, inaaasahang maaabot ng bansa – NEDA

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maaabot ng bansa ang target Gross Domestic Product (GDP) para sa 2022.

Ito ay kasunod ng pag-angat ng GDP sa 7.6% para ikatlong kwarter ng 2022.

Ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan, nakikita pa rin nila na maglalaro sa 6.5% hanggang 7.5% ang GDP sa taong 2022.


Kailangan lang matamo ng bansa ang 3.3% hanggang 3.9% GDP na dagdag para sa 4th quarter ng taon.

Dahil dito, pumapangalawa ang Pilipinas sa Southeast Asia na nagpapakita ng magandang takbo ng ekonomiya.

Malaking bagay aniya ang pagbubukas at pagluluwag ng bansa sa COVID-19 protocol, at pagbubukas ng face-to-face classes.

Gayunpaman, aminado si Balisacan na mayroon paring mga hadlang na makakaapekto sa ekonomiya ng bansa tulad na lamang ng pagtama ng mga kalamidad at pagbilis ng inflation rate.

Facebook Comments