Target na Mabakunahan kontra COVID-19 sa 3-day Bayanihan, Bakunahan, Naabot ng LGU Ilagan

Cauayan City, Isabela- Lagpas sa target population na binakunahan ang nakamit ng City of Ilagan sa ginanap na 3-Day National Vaccination Drive noong November 29 hanggang December 1, 2021.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay G. Paul Bacungan, tagapagsalita ng LGU City of Ilagan,umabot sa kabuuang 20,500 indibidwal ang nabakunahan kung saan 17,356 ang naturukan sa first dose habang 3, 144 naman ang sa second dose.

Aniya, mula sa target lamang na 17, 214 ay nalagpasan ito ng LGU matapos maitala ang nasa 119% na bakunado kontra COVID-19.


Sa inisyal na datos, umabot sa 93.60% o katumbas ng 101, 849 indibidwal ang nabakunahan sa unang dose at 57% o katumbas naman ng 62,026 ang fully vaccinated.

Matatandaang 108,816 target population ng lungsod ang kailangang mabakunahan upang makamit ang herd immunity.

Malaking porsyento umano ng kabataan ang nabakunahan sa ginawang Bayanihan,Bakunahan sa lungsod.

Samantala, umaasa naman ang lokal na pamahalaan na makakamit ang bilang bago matapos ang taon.

Facebook Comments