Task force na tututok sa employment recovery ng bansa, binuo ng pamahalaan

Bumuo ang pamahalaan ng isang task force na tututok sa employment recovery efforts ng pamahalaan na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inihahanda na ang Executive Order (EO) upang ma-institutionalized ang 2021-2022 National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force.

Aniya, layon ng NERS Task Force na mapabilis ang pagbangon at pagpapalakas sa employment sa Pilipinas lalo’t pumalo sa 17.6 percent o 7.2 milyong mga Pilipino ang walang trabaho noong April, 2020.


Paliwanag ni Nograles, bagama’t napababa ito sa 8.7 percent noong Oktubre 2020, batid nila ang pangangailangan ng national strategy para sa pagbubukas ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.

Facebook Comments