TATAAS PA | Employment rate ng mga TESDA graduate, inaasahang tataas sa 2019

Tiwala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mapapataas pa nila ang employment rate ng kanilang mga graduates ng technical at vocational courses.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni TESDA Executive Director Elmer Talavera, sa ngayon ay umaabot lang sa 72% ang employment rate ng kanilang mga graduates.

Pero sa susunod na taon aniya ay paghuhusayin pa nila ang kanilang serbisyo at pagtatrabaho kaya umaasa sila na aakyat sa 75% o higit pa ang mga magtatapos sa TESDA na makakukuha agad ng trabaho.


Makikipag-ugnayan aniya sila sa mga Public Employment Services Offices (PESO) at palalakasin nila ang competency standard ng mga coordinators na nagtuturo ng TESDA courses.

Nanawagan din naman ito ng suporta mula sa media lalo na sa mga lokal na pamahalaan para mapalawig pa ang kaalaman sa technical education sa mga komunidad.

Facebook Comments