
Nag aalok ang Victory Liner ng Tatak Bayanihan Shuttle Service Program o “shared-cost setup” na bus sa mga partner company.
Mistula itong “company-arranged shuttle” kung saan ang partner company ang magbabayad sa diesel at daily allowance ng tsuper at konduktor, kapalit ng point-to-point na byahe ng mga empleyado sa kumpanyang kanilang pinapasukan.
Ito ang hakbang ng naturang terminal para hindi maapektuhan ang operasyon ng kanilang terminal, at hindi mawalan ng trabaho ang kanilang mga empleyado sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.
Nauna nang inanunsyo ng Victory Liner na binawasan na nila ang trip frequency at inadjust ang interval ng kanilang mga bus dahil sa krisis sa langis na kinakaharap ng bansa.
Facebook Comments










