TATAPUSIN NA | Problema sa informal settlers sa bansa, tutuldukan ng bagong departamento na tututok sa pabahay – Sen. JV Ejercito

Manila, Philippines – Asahan na matutuldukan na sa darating ang panahon ang problema ng mga informal settlers sa bansa.

Sa 2nd Anniversary ng BALAI Filipino, tiniyak ito ni Sen. JV Ejercito na mapapabilis na ang paglikha ng marami at may kalidad na pabahay dahil ang Human Settlements and Urban Development ay hindi na lamang coordinating agency kundi may alam at tututok talaga sa problema ng pabahay.

Ayon sa Senador, 1.2 milyon unit ng pabahay pa ang kinakailanganng itayo ng gobyerno para sa mga mahihirap ng pilipino na walang sariling bahay.


Suportado naman ni NHA General Manager Marcelino Escalada JR ang pagkakaroon ng iisang departamento na tututok sa proyektong pabahay ng pamahalaan.

Ani Escalada, hindi naman magbabago ang mandato ng NHA maliban sa nasa ilalim na ito ng bubuing departamento.

Facebook Comments