ARESTADO | Keanna Reeves, inaresto ng CIDG dahil sa kasong cyber libel

Inaresto ng mga tauhan ng CIDG Laguna, kasama ang mga pulis ng Calamba City Police Station ang actress na si Janet Derecho Duterte na mas kilala bilang si Keanna Reeves.

12:45 ng tanghali ng Ihain ng mga operatiba Ang arrest warrant sa aktress sa #81 Timog Avenue cor., Scout Ybardolaza, Quezon City.

Ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Maria florencia b. Formes-baculo ng RTC, Branch ay kaugnay ng kasong paglabag sa RA 10175 section 4, o cyber-libel.


Si Keanna Reeves ay dinala sa CIDG Laguna para sa documentation at processing.

Dalawampung libong piso ang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments