TATAPYASAN | Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng bawas presyo

Manila, Philippines – Magkakaroon ng bawas sa presyo sa produkto petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw.

Alas 6 ngayong umaga, ipapatupad ng Petro Gazz ang P0.70 ang tapyas sa kada litro ng gasolina at P1 sa kada litro ng diesel.

Sa Martes naman ng alas 12:01 ng hating gabi ipapatupad ng Seaoil ang P0.70 ang tapyas sa kada litro ng gasolina, P1 sa kada litro ng diesel at P1.25 naman sa kada litro ng kerosene.


Habang kaparehong presyo rin ang itatapyas ng Shell.

Inaasahang susunod rin na mag-aanunsyo ng bawas sa presyo sa produkto petrolyo ang ibang kumpaniya ng langis.

Facebook Comments