Manila, Philippines – Magtatapyas sa kanilang singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong Hunyo.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, may bawas na P0.13 kada Kilowatt Hour (KWH) ang singil sa kuryente dahil sa pagbaba sa presyo ng generation at transmission charges.
Aniya, mas malaki pa sana ang ibababa ng singil kung wala ang Feed-in Tariff Allowance (FIT-ALL) na p0.70.
Ang FIT-ALL ay ang buwis na binabayaran para sa mga pinagkukuhanan ng energy renewable sources.
Sa kabila nito, posible namang magkaroon ng dagdag-singil sa kuryente sa Hulyo dahil sa epekto ng sunod-sunod na yellow alert nitong mga nakaraang linggo.
Facebook Comments