Tatay, 6 beses binuntis ang sariling anak; 1 sa naging bunga, hinalay rin

24021
Swansea Crown Court

Isang lalaki sa United Kingdom ang napatunayang anim na beses inanakan ang sariling anak.

Napag-alamang hinalay din ng hindi pinangalanang akusado mula sa Wales ang isa niya pang anak na babae, at isa sa mga naging supling nila ng anak na binuntis.


Sinampahan ng 36 patong ng kasong rape at isang assault by penetration ang tatay na sisintensyahan sa Oktubre 18 sa Swansea Crown Court.

Sa pagdinig, sinabi sa korte na gusto umanong “turuan” ng akusado na makipagtalik ang dalawang anak para maging handa sa magiging karelasyon sa hinaharap.

Nagpapanggap din umano ang tatay bilang “psychic” na nagpapadala ng e-mail ng kung anong dapat gawin ng mga anak.

Pinlano rin ng akusado ang panghahalay ng kanyang kaibigan sa isa niyang anak, habang pinanonood niya ang krimen.

Lumabas sa resulta ng DNA test na anim sa supling ng kanyang anak ay bunga ng pang-aabuso, isa rito ay biktima rin ng kanyang panghahalay.

Dumepensa ang akusado na ang mga babae umano ang nanakot sa kanya at iginiit na may pahintulot ang pakikipagtalik dahil hindi niya alam na anak niya ang mga biktima.

Tumagal ng higit apat na oras ang pagdinig bago napatunayang may sala sa lahat ng kaso ang lalaki na wala umanong reaksyon nang sabihin ang pasya ng korte.

Inilarawan ni Judge Paul Thomas QC ang kaso bilang “napakasakit” o “nakapanlulumo”.

“I’ve been involved in criminal cases as a barrister and as a judge for 40 years. This is in the top three worst cases I’ve ever dealt with,” aniya.

“Nakasusuka” naman kung tawagin ng Crown Prosecution Service (CPS) ang krimen.

Facebook Comments

From Advertisers