Tatay, binigyan ng baril ang anak na gusto nang magpakamatay

Ibinigay ng isang tatay mula Maryland ang isang baril sa kanyang suicidal na anak sabay sabing “just do it” at “end it now”.

Ayon sa report, iniabot ng 46-anyos na ama na kinilalang si Anthony Jerome Lewis ang kanyang baril sa 14-anyos na anak nang aminin nito ang kagustuhang magpakamatay.

Kinuha niya ang kamay ng bata at sinabing paputukan na ang sarili ngunit imbes gawin ay dumiresto sa loob ng kwarto ang lalaki at nagkulong.


Nang makuha ng pulisya ang pahayag ng bata, ikinuwento nito kung gaano kalupit ang ang kanyang ama na minsan ay pinapalo raw siya ng sinturon at alambre.

Dumating na umano sa punto na nagsuka siya at nagsimulang makakita ng kakaibang kulay hanggang sa magdilim ang kanyang paningin.

Samantala, nahaharap naman sa kasong 1st and 2nd degree assault, coercion, reckless endagerment, firearm use at child abuse.

Ayon sa court hearing noong Huwebes sa Maryland District Court, hindi maaaring humarap si Lewis sa anak.

Ang susunod na hearing ay magaganap naman sa Disyembre 23 ngayong taon.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments