Tatay na isinama ang 2-anyos na anak sa bungee jumping, muling nag-viral

Screenshot captured from Redha Rozlan video on Facebook.

Pinag-uusapan muli sa social media ang video ng isang tatay na isinamang mag-bungee jump ang kaniyang 2-anyos na babaeng anak.

Mapapanood sa bidyong kumalat na nakayap si Redha Rozlan, isang Malaysian reality star, sa supling na si Mecca Mikaela habang naghahanda sa gagawing aktibidad.

Makalipas ang ilang sandali, makikitang tinatapik-tapik pa niya ang likod ng bata bago tuluyang hatakin pababa sa Kuala Kuba Bharu bridge na may lalim na 196 feet.


https://www.instagram.com/p/BgchbCjFfs0/?utm_source=ig_embed&utm_campaign=dlfix

Kapansin-pansing walang helmet o proteksyon na suot ang musmos.

Ang makapigil-hiningang pangyayari, naganap noong Marso 18, 2018.

Matatandaang bumuwelta ang 2014 Fear Factor Malaysia Champion sa sunud-sunod na negatibong reaksyong natatanggap niya.

“Chill guys. Don’t try with your kids if your kids not ready for this,” depensa ng celebrity.

Aniya, nag-enjoy ang paslit sa kakaibang experience at umano’y nais pa nitong umulit.

Maliban sa netizens, umalma rin ang child rights lawyer na si Goh Siu Lin sa ginawa ng lalaki.

Pahayag ng abogado, kulang si Rozlan sa proper parental judgement para maisipan pang bitbitin ang anak sa isang ‘extreme and dangerous’ sport kagaya ng budgee jumping.

“Rope spring jump is an extreme sport and dangerous and there is a high likelihood of the motions in such an activity causing physical injury to her. I have never heard of any child of that age being allowed to participate in such extreme sports,” giit ng Lin.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na bagong pahayag si Rozlan sa muling pagkabuhay ng kontrobersiya.

Facebook Comments