Isang tatay mula Pennsylvania ang namaalam na sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng FaceTime app matapos itong magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nasawi nitong Biyernes si Cecil “Mac” Hargrove, 84 sa Penn State Milton S. Hershey Medical Center 17 oras makalipas itong maisugod dahil sa hirap sa paghinga.
Ayon sa PennLive.com, pinayuhan daw ng ospital ang anak ni Mac na si Blake na wala umanong pinapayagang kahit sino para bumisita sa COVID-19 patients.
Habang nasa labas ng ospital, sinabihan si Blake ng doktor na nasurian ang kanyang ama ng chronic obstructive pulmonary disease o viral pneumonia.
Dahil dito ay kinakailangan umano itong malagyan ng ventilator.
Ngunit hindi pumayag si Blake sa payo ng doktor dahil hindi raw umano sasang-ayon ang kanyang ama na maglagay ng ventilator sakaling magpositibo nga ito sa coronavirus.
Hindi na rin daw nila ito makakausap sakaling pumanaw ito dahil sa sakit.
Nang makumpirmang may COVID-19 si Mac, nagpasya na lamang si Blake at kanyang buong pamilya na hindi na sumailalim pa sa pagveventilator at hintayin na lang ang huling sandali ng kanyang ama.
Ngunit bago nito, nagawa pang makapagpaalam ng mag-anak sa pamamagitan ng FaceTime app kung saan nakausap pa ni Mac ang kanyang mga anak, asawa at mga apo.
Samantala, pinaniniwaalaan naman ng pamilya ni Mac na nakuha niya ang sakit noong Marso 14 noong nagtungo ito sa New York mula Spain.