COVID-19 cases sa bansa, mahigit 3,000 na!

80

Sumampa na sa 3,018 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na madagdagan ng panibagong 385 na kaso ngayong araw.


29 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na umaabot na ngayon sa 136.

52 naman ang bilang ng mga naka-recover matapos madagdagan ng isa ngayong araw.

Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na kaya mataas ang bilang ngayon ng mga nasawi ay dahil ngayon lamang dumating ang mga datos mula sa iba’t-ibang lugar.

Facebook Comments