Mahigit 100,000 residente sa Batangas na naapektuhan ng aktibidad ng bulkang Taal, nakabalik na sa kani-kanilang tahanan

95

Mahigit 111,000 na mga residente sa batangas na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang taal ang naka-balik na sa kani-kanilang bahay.

 

Ito ay matapos ibaba ng Phivolcs sa alert level 3 ang status ng bulkang Taal.


 

Batay sa Batangas Police Provincial Office, patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga bakwit na bumabalik sa lungsod ng Tanauan, Balete, Cuence, Talisay, San Nicolas, Taal, Sta. Teresita, mataas na Kahoy, Laurel at Agoncillo.

 

Gayunman, mayroon pa ring mahigit 61,000 na mga bakwit ang nananatili sa mga evacuation center.

Facebook Comments