*Cauayan City, Isabela* – Hindi na umabot sa pagamutan ang isang padre de pamilyang nasangkot sa aksidente sa Maddela, Quirino habang malubhang nasugatan ang asawa nito at ng kanilang apo.
Batay sa report na inilabas ng PNP Maddela sa pamamagitan ni PCapt Romeo Barnachea Jr, hepe ng naturang Police Station, nakilala ang nga biktima na sina Pedro Tamanya, 59 taong gulang , Letty Tamanya, 61 at ang apo nilang Maja Jane, pitong taong gulang, pawang residente ng Sta. Maria, Maddela.
Sa inisyal na imbestigasyon, angkas ni Tamanya sa isang motorsiklo ang kanyang maybahay at apo patungong Maddela. Bigla umanong kumaliwa ang minamanehong motorsiklo ngunit sa hindi mabatid na dahilan ay bigla din ito bumalik sa dating linya. Dahil dito hindi natantiya ng sumusunod na isuzu closed van na minamaneho ni Rowel Matalang, 39 anyos, residente ng Nabbotuan, Solana, Cagayan kaya na nasalpok ang motorsiklo.
Dahil sa lakas ng impak, tumilapon ng ilang metro ang driver ng motorsiklo. Sinikap ng mga sumaklolong miyembro ng Quirino Provincial Mobile Force Company (QPMFC) sa Maddela District Hospital si Tamanya ngunit idineklarang dead on arrival.
Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property ang driver ng Isuzu closed van na si Matalang na nasa kustodiya na ng PNP Maddela.
Sa ngayon ay ligtas na sa pagamutan si Maja Jane samantalang nasa malubhang kalagayan ang maybahay na si Letty Tamanya. Tags: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, lgu maddela, maddela quirino, pnp maddela luzon, 98.5 iFM Cauayan, Quirino Provincial Mobile Force Company, Maddela District Hospital ,rowel matalang, letty tamanya, PCapt Romeo Barnachea Jr ,pedrp tamanya