Tatlo, arestado dahil sa shabu!

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng QCPD ang tatlong katao matapos magsagawa ng Oplan Sita at Anti Criminality Campaign ang mga tauhan ng QCPD sa magkahiwalay na lugar sa QC.

Kinilala ang mga suspek na sina Bryan Manplata 21 anyos at Neilbert Vasquez 25 anyos kapwa residente ng Major Marcos 5th Street Area 4 Veterans Village Brgy.Pasong Tamo Quezon City.

Ayon kina PO1 Jade Mark Dalungan at PO1 Marlon Masiclat nagsagawa sila ng Oplan sita kagabing alas 9:30pm sa Don Faustino Street kanto Don Pedro Brgy Holy Spirit Holy Spirit.kung saan naispatan nila na nakasakay sa motorsiklo ang dalawa.


Paliwanag ni PO1 Dalungan pinababa nila ang dalawa at kinapkapan at nakuhanan ng apat na sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu kayat agad na dinala sa PDEA sina Manplata at Vasquez para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 2002.

Samantalang si Jericho Baring 20 residente ng Rosal Street Brgy. Payatas A Quezon City ay nahulihan ng Isang sachet ng pinaghihinalang shabu ang narecovered habang nagsagawa ng Anti Criminality Campaign si PO2 RONNIE DE OCAMPO sa naturang lugar.naiturn over na rin sa PDEA ang naturang suspek.

Facebook Comments