Tatlo, arestado sa anti-crime operations sa Taguig City

Taguig City – Kalaboso ang tatlong indibidwal matapos ang ikinasang anti-criminality operations ng mga awtoridad sa Taguig City.

Unang naaresto ng mga kagawad ng PCP 4 sa Acacia St., Brgy. Hagonoy si Michael DiƱo, tatlumpu’t apat na taong gulang, isang sidecar driver at residente ng MRT Avenue, New Lower Bicutan ng nabanggit na lungsod.

Huli sa akto si DiƱo habang bumibili ng isang sachet ng hinihinalang shabu kaya’t dinakip ito ng mga awtoridad.


Sa isinagawa namang Oplan Sita sa Zone 3, Gate 3, Fort Bonifacio ay nahuli sina Absara Sabtare, trenta y nuebe anyos, ng Brgy. Maharlika at Monera Laban, apat na pung taong gulang, at parehong nakatira sa nasabing lugar.

Dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakuha mula kina Sabtare at Laban.

Ang tatlong suspek ay kapwa ipaghaharap ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments