Tatlo kabilang ang maituturing na high-value target ng PCP-3, naaresto ng dahil sa iligal na droga

365

Arestado ang tatlong drug suspek kabilang na si Aldrin Mikey Reyes, 30-anyos, residente ng Brgy. Rizal, Makati City.

Ayon sa Police Community Precinct-3 Makati, si Aldrin ang talamak kung magbenta ng iligal na droga sa Makati.


Nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspek kasunod ng sumbong ng concerned citizen sa barangay at ito naman ay humingi ng tulong sa pulisya.

Matapos puntahan para beripikahin ang sumbong, naaktuhan ang mga suspek na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na pakete ng pinaghihinalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Bukod kay Mikey, naaresto rin ang mga kasabwat nito na sina Rachelle Palomar at Jeric Archie Lalata na kapwa makakasuhan ng pag labag sa RA 9165.




Facebook Comments