Tatlo katao, patay sa panibagong suicide bombing incident sa Iraq

46

Mosul – Patay ang tatlo katao sa pag-atake ng tatlong suicide bombers sa Iraqi Shopping District sa east ng Mosul.

Matatandaang nabawi na ng pamahalaan mula sa jihadists ang naturang lugar ilang buwan na ang nakakaraan.

Naganap ang pag-atake sa muthanna neighborhood habang abala ang mga residenteng namimili bago ang Eid Al-Fitr holiday o ang pagtatapos ng Ramadan.


Sa pag-atake ng unang suicide bomber ay agad na binawian ng buhay ang isang pulis.

Nakalusot din ang pangalawang suicide bomber na ikinamatay ng dalawa katao habang siyam ang naitalang sugatan na agad namang isinugod sa Al-Khansaa Hospital.

Samantala, ang pangatlong suicide bomber ay agad na napatay ng mga pulis bago pa man nito mapasabog ang dalang bomba.



Facebook Comments