Isang bangkay, nakitang palutang-lutang sa Pasig River sa Binondo

304

Manila, Philippines – Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki na lumulutang sa Pasig river sa bahagi ng Binondo, Manila kagabi.

Inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng lalaki na tinatayang nasa edad 45 hang 50-anyos, may taas na 5 hanggang 5’2 ft, kalbo at nakasuot lang ng shorts.

Ayon sa mga awtoridad, isang crew ng bangkang dumaan sa lugar ang nakapansin ng bangkay na agad na nag-report sa Coastguard na nakadestino sa Pasig River.


Bagama’t walang nakitang sugat o anumang senyales ng foul play sa katawan ng bangkay ay isasailalim pa rin ito sa awtopsiya para malaman ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments