Tatlong Araw Na State Visit Ni P-Duterte Sa Japan, Nagsimula Na

MANILA – Mainit na tinanggap ng mga pinoy sa Tokyo Japan si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang delegasyon.Sa kanyang mensahe sa filipino community, nangako ang Pangulo na malaki na ang pagbabago sa sistema ng paliparan at hindi na sila mabibiktima ng tanim bala.Dito naman hinamon ng Pangulo ang Estados Unidos na sampahan siya ng kaso kung may paglabag siya sa karapatang pantao.Ayon kay Duterte, handa siyang mabulok sa kulungan kung para ito sa bansa.Nagpasalamat naman ang Pangulo sa Japan na may pinakamalaking Development Assistance sa Pilipinas.Ngayong araw, nakatakda ang expanded bitaleral meeting ni Pangulong Duterte kay Japan Prime Minister Shinzo Abe at pakikipagkita kay Foreign Minister Fumio Kishida.

Facebook Comments