Posibleng hindi sa pilipinas nakuha ang COVID-19 ng tatlong dayuhan na bumiyahe sa Pilipinas at nagpositibo sa sakit pag-uwi sa kani-kanilang mga bansa.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, nakuha na nila ang detalye ng tatlong mga dayuhan na pawang Taiwanese, Japanese at Australian.
Aniya, ang taiwanese na nakaranas ng diarrhea, sore throat at lagnat ay maaring may infection na bago pa bumiyahe sa Pilipinas.
Ang lalaking Japanese naman na nakaranas ng ubo, paninikip sa dibdib at hirap sa paghinga ay bumiyahe sa Pilipinas, Cambodia at Vietnam at thailand bago siya bumalik ng Japan.
Tumuloy ang lalaking Japanese sa ilang magkakaibang hotel sa Metro Manila habang siya ay nasa bansa.
Samantala ang babaeng australian na taga Sydney ay dumalo sa kasal sa Maynila at dumalo rin sa reunion sa pangasinan bago bumalik ng Sydney.
Sabi ni World Health Organization (WHO) Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, posibleng hindi sa Pilipinas nakuha ng naturang mga dayuhan ang COVID-19.
Aniya, gaya na lamang ng Japanese National na maliban sa Pilipinas ay mayroon pang ibang mga lugar sa Southeast Asia na pinuntahan.