Tatlong developer ng COVID-19 vaccines, nag-apply na sa Pilipinas para sa clinical trials

Nag-apply na para makapagsagawa ng clinical trials sa bansa ang tatlong developer ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Usec. Rowena Cristina Guevarra, kabilang sa mga developer na ito ay ang West China Hospital and Sichuan University, Shenzhen Kangtao Biological Products Company at Eubiologics Company Limited.

Aniya, pinag-aaralan na ng Task Group on Vaccine Evaluation and Selection ang clinical trial applications ng mga nasabing vaccine developers.


“Kami sa Task Group of Vaccine Evaluation and Selection, kami ang nag-a-assign sa kanila kung saan sila puwedeng gumawa ng kanilang trials. Iyong sponsor at saka iyong local na CRO (clinical research organization), sila iyong responsible sa pagmu-monitor ng independent clinical trial at sila ay nagsusumite ng progress report sa FDA.’ ani Guevara

Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials ng COVID-19 vaccine manufacturers na Janssen, Clover Biopharmaceuticals at Sinovac Biotech.

Facebook Comments