Tatlong hinihinalang drug personalities ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Agoo at Luna, La Union noong Marso 4 at 5, 2026.
Sa Agoo, nadakip ng pulisya ang isang street-level drug pusher matapos magbenta ng isang gramo ng hinihinalang shabu sa poseur buyer sa Brgy. San Juan.
Samantala, dalawa pang tulak ang nasakote sa Luna sa operasyon sa Brgy. Nalvo Norte. Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang anim na gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱40,800.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Agoo at Luna Municipal Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








