Monday, March 16, 2026

Tatlong drug suspect, arestado sa buy-bust operations sa Rodriguez, Rizal; baril at bala, nakumpiska rin sa mga suspek

Nasakote ng Rodriguez Municipal Police Station ang tatlong indibidwal matapos ang kanilang ikinasang buybust operations sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas ‘Joshua’, 26-anyos, ‘Jane’, 21, at ‘Mark’, 27 na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober sa operasyon ang nasa siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic na pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 21 grams at may Standard Drug Price na 142,800 pesos.

Bukod sa droga, nakuha rin sa mga suspek ang 500 pesos na buybust money, 300 pesos cash, isang .38 caliber revolver, tatlong bala ng nabanggit na baril, at isang itim na sling bag.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong ang tatlo sa custodial facility ng Rodriguez MPS.

Facebook Comments