Tuesday, March 17, 2026

TATLONG INDIBIDWAL, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA OPERASYON SA BAYAMBANG

Arestado ang tatlong indibidwal, kabilang ang isang wanted person, sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Bayambang

Sa unang operasyon, nagsagawa ng buy-bust operation ang Bayambang Police Station katuwang ang 105th Maneuver Company ng RMFB1 sa koordinasyon ng PDEA RO1. Dalawang suspek na edad 30 at 38, kapwa residente ng Bayambang, ang naaresto.

Nakumpiska mula sa kanila ang humigit-kumulang 6 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱40,800, na nakalagay sa apat na heat-sealed transparent plastic sachet. Narekober din ang iba pang ebidensya.

Samantala, isa pang operasyon ang isinagawa ng Bayambang Municipal Police Station kasama ang parehong yunit kung saan naaresto ang isang 34 anyos na delivery rider na itinuturing ding wanted person.

Nasamsam mula sa kanya ang tinatayang 7 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱47,600, na nakalagay sa dalawang heat-sealed plastic sachet. Bukod dito, narekober din ang buy-bust money at iba pang ebidensya.

Patuloy naman ang pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga upang masugpo ang kriminalidad at mapanatili ang kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments