TATLONG KALSADA SA DAGUPAN, PANSAMANTALANG ISASARA UPANG BIGYANG-DAAN ANG ITATAYONG BAZAAR SA DARATING NA BANGUS FESTIVAL 2026

Pansamantalang isasara ang tatlong kalsada sa Dagupan City upang bigyang-daan ang itatayong street bazaar, baratillo at food strip bilang bahagi ng Bangus Festival 2026.

Batay sa inaprubahang Draft Ordinance No. 0-024, Series of 2026 ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan, isasara ang Galvan, Zamora at Jovellanos Roads mula Marso 18 hanggang Hunyo 18.

Layunin ng hakbang na magbigay ng mas malawak na espasyo para sa mga manlalako at maliliit na negosyo na makikibahagi sa pagdiriwang.

Ayon sa ulat, inaasahang makadaragdag ito sa kita ng mga lokal na negosyante at mga tsuper dahil sa posibleng pagdagsa ng mga mamimili at bisita sa lungsod.

Magpapatupad naman ng rerouting plan ang Public Order and Safety Office at Dagupan City Police Office upang maayos ang daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.

Binigyang-prayoridad ang pagpasa ng naturang ordinansa matapos lagdaan ng alkalde ang Certificate of Urgency sa Sangguniang Panlungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments