Tatlong kasong kriminal ni Senadora Leila De Lima, ira-raffle na sa Muntinlupa Regional Trial Court ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang i-raffle ng Muntinlupa Regional Trial Court ang tatlong kasong isinampa laban kay Senadora Leila De Lima kaugnay sa bilibid drug trade.

Kapwa akusado ni De Lima sa dalawang kaso ang dating karelasyon at driver-bodyguard na si Ronnie Dayan. 

Akusado naman sa hiwalay na kaso ang dating Bureau of Corrections Chief Franklin Bucayo, O-I-C na si Rafael Ragos, high profile inmate na si Jaybee Sebastian, dating security ni De Lima na si Jonel Sanchez, dating BUCOR staff na si Wilfredo Eli, at ang dating nagpakilalang pamangkin ni De Lima na si JOSE ADRIAN DERA.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel – hindi na sila mangingialam sakaling ipag-utos ng korte na arestuhin si De Lima.

Sinabi naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguiire – walang piyansa ang mga naturang kaso at kung mapapatunayan ay may kaakibat na parusa na 20 hanggang 30 taong pagkakakulong o multang 100 hanggang 500 libong piso. 

Nabatid na ibinasura ng Court of Appeals ang hiling ni De Lima na temporary restraining order laban sa pag-iimbestiga sa mga reklamong inihain sa kanya.

 

tag: Luzon, Manila, DZXL 558, Sen. Leila De Lima, Muntinlupa Regional Trial Court, Jose Adrian Dera, Court of Appeals, Sen. Koko Pimentel, Bureau of Corrections, Franklin Bucayao, Rafael Rigos, Jonel Sanchez, BUCOR, Wilfredo Eli, Justice Sec. Vitaliano Aguire

Facebook Comments