Appari, Cagayan- Nahaharap sa kasong Paglabag sa PD 705 o Forestry Code ng Pilipinas ang tatlong kalalakihan habang tinutugis pa ang isang indibidwal matapos masamsaman ng mga iligal na pinutol na kahoy kamakailan sa Brgy. Paraddun Norte, Aparri, Cagayan.
Ang mga nadakip ay kinilalang sina Jaymar Pablo, trentay kwatro anyos, Richard Ariola, Kwarentay kwatro anyos at Roderick Alozo, bente otso anyos habang tinutugis na ng kapulisan ang isa pang suspek na si Glenn Collado matapos tumakas sa pinangyarihan.
Ang mga suspek ay nadakip ng kapulisan sa pangunguna ni SPO3 Banjo Vallanca matapos makatanggap ang kanilang himpilan mula sa isang concerned citizen na mayroong nagpupuslit na mga pinutol na kahoy.
Agad na rumespode ang kapulisan at nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang nasa mahigit kumulang limangdaang boardfeet ng pinutol na mga kahoy na inilagay sa kanilang tatlong “kulong-kulong”.
Agad na dinakip ang tatlong suspek at dinala na sa PNP Appari maging ang kanilang kulong-kulong para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang at large naman ang isa pang suspek na si Glenn Collado.