Tatlong kilo ng hinihinalang cocaine, natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Cagayan

Narekober ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang pakete ng hinihinilang cocaine na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Cagayan.

Batay sa ulat ng PNP, rumesponde sila kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 sa ulat mula sa mga mangingisda sa lugar na may mga kahinahinalang bahay na lumulutang sa bahagi ng Abulug at Ballesteros.

Kanilang nadiskubre ang aabot sa 3 kilong hinihilang cocaine na tinatayang ₱15 million ang street value.


Positibong itong tinukoy na iligal na droga ng mga sinanay na K9 dogs.

Pero, isasailalim pa rin ito sa laboratory examination ng PDEA para makumpirma.

Sa ngayon, inaalam pa ng PNP at PDEA kung may iba pang mga hinihinalang cocaine ang nakakalat sa lugar.

Facebook Comments