Aktor na si Kit Thompson na nambugbog ng kanyang nobya, nakalaya na matapos makapagpiyansa

Kinumpirma ng Tagaytay Police na pansamantalang nakalaya sa pagkakakulong ang aktor na si Kit Thompson.

Ayon kay Tagaytay Police Chief Police Lt. Col. Rolando Baula, napagpiyansa ng P72,000 ang kampo ni Thompson kahapon para sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence against Women and Children Act.

Aniya, kasama ni Thompson kahapon kaniyang ina at dalawang abogado nang magpiyansa kahapon.


Matatandaang noong ika-18 ng Marso nang maaresto si Thompson matapos ang reklamong pambubugbog sa kanyang nobya sa loob ng isang hotel sa Tagaytay.

Tumanggi namang magbigay nang iba pang impormasyon ang Philippine National Police (PNP) dahil nasa korte na ang kaso.

Facebook Comments