Tatlong lungsod sa NCR, nakapagtala ng higit 100 bagong kaso ng COVID-19 kahapon

Tatlong lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng higit sa 100 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Ito ay matapos makapagtala ng Department of Health ng 849 new COVID cases sa naturang rehiyon kung saan 163 dito ay mula sa Quezon City; 119 sa Lungsod ng Maynila at 115 sa Makati.

Samantala, narito ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon sa iba pang bahagi ng Metro Manila:


Taguig – 82
Parañaque at Pasig – 62
Mandaluyong – 51
Pasay – 49
Marikina – 45
Las Piñas – 32
Caloocan – 24
Muntinlupa – 23
Valenzuela – 9
San Juan – 7
Malabon – 3
Pateros – 2
Navotas – 1

Mababatid na 1,936 ang naitalang bago kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon.

Facebook Comments