Mga ibinebentang T-shirt na may tatak na Support Our Troops sa mga malls hindi raw sa AFP

347

Manila, Philippines – Nililinaw ngayong ng pamunuan ng 7th Civil Relations Group na wala silang ibinibentang T-shirt na may tatak na “Support Our Troops” sa mga malls

Ito ay matapos na makatanggap sila ng impormasyon na may mga nagbebenta sa mall ng mga nasabing T-shirt.

Sa kanilang nakuhang impormasyon may puti at pulang T-shirt na ibinebenta sa mall na halos kapareho ng design na ginawa nila at yung iba ay iniba pa ang design na nagkakahalaga ng 300 pesos.


Sinasabi pa ng mga naglalako nito na ang mabebenta sa mga T-shirt ay mapupunta sa AFP.

Paglilinaw ni Lt. Col. Victor Tanggawohn, ang kasalukuyang commander ng 7th Civil Relations Group tanging kulay itim na T-shirt lang ang kanilang ibinenta at halagang 150 peso kada isa.

Pero nitong nakalipas na Biyernes ay inihinto na nila ang pagpi-print at inihinto na rin pagtanggap ng order.



Kaya naman nais iparating at linawin ni Col. Tanggawohn sa mga bibili ng T-shirt na walang alam dito ang AFP at hindi sa kanila mapupunta ang mga kinikita ng mga nagnenegosyo.

Facebook Comments