Tatlong petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Law, pormal nang inihain sa SC

Tatlong petisyon na laban sa Anti-Terrorism Law ang naihain sa Korte Suprema.

Matapos maghain ng petisyon via e-mail noong Sabado, pormal na nagtungo kaninang umaga sa Supreme Court sina Atty. Howard Calleja at Bro. Armin Luistro para humirit ng Special Civil Action for Certiorari and Prohibition at Temporary Restraining Order (TRO).

Kanina rin nang magsumite ng petisyon sa SC si Albay Rep. Edcel Lagman para kwestiyunin ang legalidad ng Anti-Terror Law.


Nais din ni Lagman na ipatigil ang pagpapatupad ng batas at ipawalang-bisa ito.

Kabilang din sa mga naghain ng petisyon si Far Eastern University-College of Law Dean Mel Sta. Maria at iba pang FEU law professors.

Facebook Comments