Tatlong police officer sa region 7, sinibak dahil sa pagkakasangkot sa iligal na sugal

Manila, Philippines – Pasok sa imbestigasyon ng PNP Counter Intelligence Task Force o CITF ang tatlong matataas na opisyal ng PNP Central Visayas kaugnay ng illegal gambling activities.

Sibak sa pwesto ang tatlong ito o ipinatapon na sa PRO9, PRO12 at ARMM matapos iparating ni PCSO Chairman Jorge Corpus kay PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa ang sumbong laban sa kinasasangkutang katiwalian ng tatlo niyang mga tauhan.

Sa kabila naman na kinumpirma ito ni CITF Chief, Pol. Sr. Supt. Chiquito Malayo, tumanggi muna itong pangalanan ang mga opisyal at ilahad ang detalye ng kinasasangkutang kaso ng tatlong opisyal ng pulis.


Hihintayin muna aniya niya ang official report ni PCSO General Manager Alexander Balutan hinggil dito.

Sa unang pahayag ni Balutan, pinangalanan nito ang mga police offical na sina Pol. Supt. Joel Quintero, Pol Supt. Nicomedes Olaiva Jr. at SPO4 Clarito Aparicio, pawang mga nakatalaga sa police regional office 7.

Sinabi naman ni PCSO Chairman Corpus, nagsisilbing protektor at nangongolekta ng payola sa mga operator ng illegal numbers game sa region 7 ang tatlong police officals.

Facebook Comments