Dalawang lalaking sinita dahil sa social distancing, arestado dahil sa ilegal na droga

54

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos silang makuhanan ng ilegal na droga ng sitahin sila ng mga pulis dahil hindi sumusunod sa social distancing.

Nakilala ang mga suspek na sina Rolando Calara Sanchez, 42-anyos at John Lester Ramos Ordinario, 19-anyos.


Nakuha mula sa kanila ang tatlong maliliit na sachet ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P2,040.

Batay sa ulat ng Makati Police Sub-Station 9, nakita ang mga suspek na magkadikit habang nakataas ang isang kamay at inaalog ang isang sachet ng umano’y shabu sa may kahabaan ng Langka Street Corner Kaimito Street, Barangay Comembo, Makati City pasado alas-11:45 kahapon ng umaga.

Kaya naman agad silang inaresto ng mga pulis na nagpapatrolya sa mga oras na iyon sa nasabing lugar.

Nakakulong na ang mga suspek at nahaharap sila sa paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.




Facebook Comments