Hindi naman masyadong problema ang political situation sa Naga City. Ito ay dahil sa friendly naman ang mga naglalaban-laban na mga kandidato. Sa matagal na panahon, wala pang malaking election related violence na nangyari sa Naga City at inaasahang ang political climate na ito ay mangingibabaw ngayong panahon na naman ng halalan. Ito ang pahayag ni Mr. Tato Mendoza sa panayam ng RMN Naga-DWNX.
Magugunitang isang unity walk, interfaith prayer rally at covenant signing ng mga kandidato ang isinagawa kamakalawa sa Naga City upang ipakita ang sinseridad ng mga election aspirants sa kanilang layong gawing malaya at mapayapa ang gaganaping election sa Mayo.
Ang Unity Walk-cum-Covenant signing ay pinasimunuan ng COMELEC, Naga City Police Office at iba pang concerned groups sa Naga City.
Samantala, sinabi naman ni Mr. Fortunato Tato Mendoza na malaking bagay para sa ikakatiyak ng maayos at malayang halalan sa Naga City ang nabanggit na unity walk ng mga kandidato at mga supporters. Idinagdag pa ni Mendoza na kung tutuusin, ang mga naglalaban-labang mga kandidato sa Naga City ay mga dati lang naman na mga magkakasama at magkakakilala simula pa noong panahon ni late Mayor and DILG Secretary Jesse Robredo.
Sinabi pa ni Mendoza sa interview ng RMN Naga – DWNX na wala namang problema sa Naga City dahil nagkakasalubungan naman ang mga kandidato at wala namang marahas na mga pangyayari.
Si Mendoza, na isang matagumpay na negosyante, ay kumakandidato para sa pagka-alkalde ng Naga City kung saan katunggali niya para sa nasabing posisyon si Vice Mayor Nelson Legacion.
Si Mendoza at Legacion ay nagkasalubungan sa Brgy. Isidro kung saan nagkataong parehong lugar ang dinalaw at pinasyalan ng dalawang aspirante para sa pagkaalkalde ng Naga City.
Tato Mendoza Naniniwala na ang Unity Walk, Covenant Signing Affirm Peaceful Election Climate in Naga City
Facebook Comments