Tattoo ng mga pulis, pinatatanggal

 

Inaprubahan ng Philippine National Police (PNP) ang isang polisiya na nagbabawal sa paglalagay ng visible tattoos sa lahat ng kanilang uniformed and non-uniformed or civilian police personnel.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nito lamang March 19, 2024, pinatatanggal ang lahat ng visible tattoos ng mga pulis.

Required din ani Fajardo na gumawa ng affidavit ang isang pulis na may tattoo na hindi visible at hindi na ito pinahihintulutan pang magdagdag ng tattoo sa anumang parte ng kanyang katawan ito man ay visible o naitatago sa police uniform.


Kabilang sa mga tattoo na kailangang ipabura ay

* Extremist tattoos
* Ethnically or religiously discriminatory and offensive tattoos
* Indecent tattoos
* Racist tattoos
* Sexist tattoos
* Tattoos associated to “prohibited or unauthorized”

Hindi naman sakop ng bagong patakaran ang aesthetic tattoos tulad ng eyebrows, eyeliner at lip tattoo.

Ang sinumang lalabag dito ay mahaharap sa kasong administratibo.

Samantala, magiging epektibo ang bagong polisiya 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette at pahayagang may general publication.

Facebook Comments