Taumbayan, hinimok ni SC chief Justice Lucas Bersamin na isantabi ang pulitika at magkaisa para sa pag unlad ng bansa

Panahon na para isantabi ang di pulitika upang hindi masayang ang oportunidad na palakasin ang bansa.

 

Ito ang buod ng mensahe ni SC Chief Justice Lucas Bersamin sa selebrasyon ng 121 anibersaryo ng araw ng kalayaan sa monumento ni Gat Andres Bonifacio sa  Calookan.

 

Sinabi ni  Bersamin na kung hindi magkakaisa ang lahat, mauuwi sa wala ang naging pagbubuwis ng buhay ng mga bayani.


 

Ito aniya ang susi sa tunay na pag unlad ng bansa.

 

Para masuklian ang naging pagpapalasakit ng ating mga bayani,hinimok ni Bersamin ang taumbayan na iwaksi ang  mapabirang bisyo at gawain sa halip ay panatilihin ang mga mabubuting asal at kaugalian ng mga bayaning Pilipino.

 

Gayundin, sa harap ng mga isyu ng korapsyon sa gobyerno, hinamon niya ang mga lingkod bayan na magpakita ng Katapatan sa tungkulin.

 

 

 

 

Facebook Comments