TAUNANG PAGBABAKUNA NG ANTI-RABIES VACCINE SA MGA ALAGANG HAYOP, ISINAGAWA SA STA. BARBARA

Isinagawa ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Sta. Barbara ang taunang anti-rabies vaccination drive sa Brgy. Poblacion Sur.

Isa-isang binakunahan ng anti-rabies vaccine ang mga alagang aso at pusa ng mga residente sa tulong ng mga beterinaryo, kawani ng MAO, at mga opisyal ng barangay.

Ayon sa MAO, bahagi ito ng kanilang kampanya upang palawakin ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng rabies prevention.

Binigyang-diin din ng tanggapan na dapat regular na mabakunahan ang mga alagang hayop upang maprotektahan hindi lamang ang mga ito kundi pati ang kanilang mga amo at buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments