TAWID KEN KULTURA, ILOCOS SUR TRADE AND FOOD EXPO, BINUKSAN SA PUBLIKO

Pormal na binuksan ni Gobernador Jerry Singson at ng iba pang opisyal ng probinsiya ang Tawid ken Kultura, Ilocos Sur Trade and Food Expo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ilocos Sur Kannawidan Festival 2023.
Ang nasabing trade fair ay pinasimulan ng DTI-Ilocos Sur upang isulong ang lokal ngunit mataas na kalidad ng mga produkto ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).
Ang lugar ay nagsilbi bilang isang healthy hub para sa 204 exhibitors at nagbebenta. Puno ito ng muwebles, handicrafts, flouriculture nursery, research-based na mga produkto at innovation, pagkain at pampalamig, dry goods at RTWs.

Binigyang-diin ang pagbubukas ng ribbon cutting ng Trade Fair na nagpapakita ng mga OTOP ng bawat lungsod at munisipalidad ng lalawigan.
Dinaluhan din ang okasyon nina DTI R01 Regional Director Grace Falgui- Baluyan, DTI Ilocos Sur Provincial Director Rosario Quodala at OIC DTI Ilocos Norte, Amelia Galvez. |ifmnews
Facebook Comments