Cauayan City, Isabela- Isusulong ng Konseho ng Lungsod ng Cauayan ang ordinansang magpapataw ng general Tax Amnesty sa mga negosyante na nalugi o palugi sa kanilang negosyo.
Nabuo ang nasabing ordinansa dahil napansin umano na dumadami ang bilang ng mga negosyante na nakararanas ng economic misfortune.
Isa umano ito sa kanilang mga nakikitang dahilan kung bakit hindi sila nakakapag-bayad ng buwis at hindi naayos ang iba pa nilang obligasyon.
Kung naipasa na ang nasabing ordinansa ay hindi na sisingilin ng pamahalaang lokal ng Cauayan ang mga kwalipikadong negosyante sa Lungsod ng Cauayan na hindi nabayaran ang kanilang basic taxes, regulatory fees and service charges, interest, penalties at iba pa.
Kapag naipasa na rin ito ay maaari lamang makapag-avail ang kwalipikadong negosyante mula Agosto 1, 2020 hanggang Disyembre 20, 2020.
Layon ng nasabing ordinansa na matulungan at bilang kaagapay ng mga negosyanteng hirap makapagbayad ng kanilang buwis.