TAX | DOF, walang balak na alisin muna ang excise tax sa TRAIN Law

Manila, Philippines – Hindi sang ayon ang Department of Finance (DOF) na tanggalin muna ang excise tax sa umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ipinaliwanag ni Finance Assistant Secretrary Tony Lambino na kahit tanggalin ang excise tax ay hindi nangangahulugan na maampat na ang pagsipa ng inflation rate.

Sa ngayon aniya ay dapat balansehin ang kanilang posisyon dahil may mga mahahalagang serbisyo ang gobyerno na masasagasaan.


Sinabi pa ni Lambino na ang mga datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinagbabatayan nila ng kanilang ipatutupad na interbensyon at hindi sa mga fake news.

Naglatag ng walong hakbangin ang mga economic managers kung paano maimbsan ang epekto ng inflation.

Kabilang sa plano ay ang importasyon ng mas maraming bigas at isda at ang mabilis na paglabas ng mga food items sa mga pantalan.

Pinaghanda rin ni Lambino ang gobyerno sa posibleng pananalasa ni typhoon Mangkut dahil ang magiging epekto nito ay makadaragdag sa pagsirit ng inflation rate.

Facebook Comments