TAX EVASION CASE | Mark Taguba at Kenneth Dong, kinasuhan ng BIR

Manila, Philippines – Sinampahan na ng Bureau of Internal Revenue ng kasong tax evasion sa Department of Justice ang dalawang negosyanteng dawit sa pagpuslit sa bansa ng P6.4-Billion na halaga ng shabu mula sa China.

Ang mga kinasuhan ay sina customs broker Mark Taguba at businessman Yi Shen Dong alyas Kenneth Dong.

Ayon kay BIR Commissioner Ceasar Dulay, halos P851-million pesos ang hindi binayarang buwis ni Taguba para sa taxable year 2016.


Walang aniyang records sa BIR na nagsumite si Taguba ng kanyang Income Tax Return o ITR mula taong 2009 hanggang 2016.

Umaabot naman sa P11.4-Million ang hinahabol na buwis ng BIR sa negosyanteng si Yi Shen Dong alyas Kenneth Dong para sa taong 2013 at 2016.

Facebook Comments