Manila, Philippines – Muling hiniling sa Kamara na patawan na ng buwis ang mga paaralang pinatatakbo ng simbahan o ibang mga sekta.
Ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao, sa mahabang panahon ay na-e-enjoy ng mga religious institutions ang tax privilege na hindi naibibigay sa ibang mga pribadong paaralan.
Sinabi ni Siao na para gawing patas ang playing field sa sektor ng mga paaralan, dapat na ring pagbayarin ng buwis ang mga sectarian schools.
Ang buwis na ipapataw sa mga non-profit at sectarian schools ay kapantay lamang sa buwis na ibinabayad ng mga nasa pribadong paaralan.
Hinimok din ni Siao ang gobyerno na palawakin din ang free higher education para maidamay dito ang mga estudyante sa pribadong unibersidad at kolehiyo.
Facebook Comments