TAXI-HAILING SERVICE | Serbisyo ng mga taxi, handang punan ang pangangailangan sa ride-sharing

Manila, Philippines – Handa ang ilang lokal na taxi-hailing service na punan ang pangangailangan sa ride-hailing apps kasunod ng pag-alis ng Uber sa bansa.

Ayon kay Eddie Ybanez, Chief Executive Officer ng MiCab, nagsimula na ang kanilang operasyon sa lalawigan ng Cebu, walang price surge kapag ginamit ang kanilang app.

Sa MiCab, maaaring mag-book ang pasahero ng taxi na malapit sa kaniyang lokasyon.


Bukod sa Micab, nakahanda rin ang Davao-based app na Hirna na maging kapalit ng Uber kung saan maaari ring mag-book ng taxi.

Pinuputol ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong linggo ang prangkisa ng Uber sa Pilipinas dahil sa kawalan ng tauhan.

Iniutos din ng LTFRB sa Grab na ibaba ang kanilang surge rates sa mga pasahero habang patuloy ang proseso ng accreditation sa mga bagong ride-hailing.

Mula sa dating “times two” o doble ng pasahe, iniatas ng LTFRB sa Grab na gawing “times 1.5” o isa’t kalahati lang ang surge rates nito.

Facebook Comments